Biyernes, Hunyo 15, 2012

Salazar's Killer


Who killed Salazar? Did he die from Leptospirosis like hat his doctor said? Or there is a foul play?
_____________________________________________________________
 Months before his death, he was diagnosed with Lymphoma, a lump beside his testicles. He was scheduled for surgery but because of lack of money he didn’t pursue it.
Until a family friend, who’s a resident nurse in a private hospital, offered a help. Their hospital has a foundation that helps can’t-afford patients to cure-what-has-to-be-cure.
On the day he was about to go to that hospital, ha asked his daughter to get a pair of socks but the daughter refused and told him to wear the shoes without socks. He got pissed off so instead of using the rubber shoes, he just wears a pair of slippers.
A heavy rain poured, he didn’t have umbrella or raincoat. He came home like nothing had happened to him. After washing up, he put on a sweater, lay down and covered his body with blanket. His wife got curious for his behaviour. He usually do the “blanket” thing even if it is oh-so-hot when he sleeps but without the sweater. Wife asked him what’s the matter then she found out that he was sick, fever. He had fever for almost a week.
One Thursday night, he had suffered pain when he pees, but there’s just a single droplet of urine that comes out. He told that to the same daughter, but the daughter just shrugged her shoulder, thinking it’s just nothing. The next day, he started to vomit. He ate less, that’s weird ‘because he was known for eating so much. Saturday, he got worse. He vomits just a clear liquid with a black phlegm-like. Wife said that they should go to the hospital that very moment but he said just sleep and they'll go the next day. but the next day turned out to be the day after that. the diagnosis of the doctors is that he has Leptospirosis, an illness that comes from rat's urine. 
tuesday night, he had his first and last seizure, then he was in coma after that. doctors have told his family that the life chance is 20% , with or without the dialysis that he should go through to release all the toxic in his body. the daughter decided,since wife told her to take charge to the decision since she is the eldest of his children, to wait for his heart beat to stop again like the first time after his seizure. they attended him 24/7. never leave him, thinking he would be gone soon.
then thursday morning, his heart beat stopped for the second time. doctors and nurses rushed in his room to revive his vitals. daughter is in the phone on that time talking to her mother if they'll let their father rest. daughter raised her hand, give a sign to the doctors. 
Salazar,51 years old , a father of 5children, proclaimed dead after daughter's signal.

the daughter , the one who didn't follow his father's request, the one who didn't care why he can't pee, the one who gave signal to the doctors to stop, is thinking if she is the one who killed her own father not the illness that he has.

Miyerkules, Mayo 30, 2012

Paano Sasabihing Wala na?

Malakas ang hangin na tipong gigiba sa mga nagtatayugang gusaling hinahampas nito kasabay ang marahas na pagbuhos ng ulan na wari bang nagngangalit na isang hari. Samantalang ang mga dahon naman ay patangay sa kung saan sila itatapon na tila mga batang paslit na pinapastol ng pamalo. Habang ang mga sasakyan naman ay patuloy na humaharurot na pilit nilalabanan ang ulang kahalintulad ng mga mandirigmang humahawi sa mga kalaban sa gitna ng digmaan.

Ganito ang misteryosong namamasid mula sa labas ng bintana habang ako naman sa loob ay nakaupong naghihintay na matapos ang araw, walang lakas na kumilos at masama ang pakiramdam na sinasabayan ang nakakalungkot na panahon.

Paano ko nga ba sisimulan kung sa bawat araw na idilat ko ang aking mga mata ay tila ako isang robot na paulit-ulit na lamang sa aking ginagawa. Nakakatamad! Nakakawalang-gana! Nakakabaliw para sa isang malikot at maligalig na taong makulong sa iisang takbo ng buhay: umuulit bawat araw na tipong pinapaikot na lamang ng makinarya.

Nakakabaliw at tipong nais ko ng sumuko, isabay mo pa di yan ang hindi matimplang emosyong pabago-bago, ekspresyong nag-iiba, daloy ng isipang walang iisang direksyon.

Naiinis na ako! Gusto ko ng kumalas at humiwalay! Gusto ko ng iwan ang ganitong buhay. May iba akong pangarap, may ibang nais patunguhan at hindi lamang para maikahon sa isang karanasang katulad na lamang nito.

Halimbawa, gusto kong lumipad at damhin ang malamig na hangin mula sa himpapawid. Papaano ko ito magagawa kung nakakulong ako sa hawla ng araw-araw na sistema?

Halimbawa, nais kong sisirin ang buong karagatan. Subalit papaano ko itong magagawa nagyong nalambat na ako ng tadhanang inihiwalay ako sa tunay kong katayuan, tirahan?

Halimbawa, nais kong sumulat ng mga oda at umawit ng mga himig ng aking kalayaan. Ano ang paraan kung ninakawan na akong ng tinig upang maging isang makinang takot na mawalan bateryang nagbibigay buhay.

Halimbawa, nais kong makakita ng pitong bundok ngunit hinarangan na ng ulap upang itago ang tunay nitong mga anyo.

Kumukulog, kasunod ay ang kidlat! Hindi, una ang kidlat bago ang kulog! Hindi na dapat pang pagdebatehan, dahil sa buhay ay wala naman talagang kasiguraduhan.

Nakakaasar! Nakakainis! Hindi ko alam kung papaano puputulin ang pisi! Ang pising dati ay lubid na nagkukonekta sa aking kapalaran, bumibigkis sa aking matimyas na buhay. Nakakatakot pumutol ng pisi, nakakatakot ang posibleng maidulot nito. Pero ang pising ito na rin mismo ang sumasakal sa akin: bilang tao, mga pangarap, mga nais patunguhan at mga naising para sa sarili kong buhay.

Nakakainis! Gusto kong lumipad at putulin ang pisi! Gusto kong lakbayin ang bago at mas malawak na mundo. Gusto kong makita ang ginintuang hardin ng mga hari. Gusto kong ihakabang ang mga paa ko sa mga perlas na buhangin ng karagatan.

Paano ba magpapaalam? Paano ko ba sasabihin ang wala na? Paano?

Huwebes, Mayo 17, 2012

May Digmaan sa Palikuran

Humahalo ang nakasusulasok at nakasusukang amoy na mula sa
lipunang pinaghaharian ng mga kapitalistang ganid sa sariwang hangin
ng lupang pangako. Lalanghapin ng sambayanang binabarat sa pasahod
at papasok sa pagal nilang katawan patungo sa kasuluk-sulukang
bahagi na dadaloy sa kanilang mga ugat kasabay ng pulang dugo na
bumubuhay sa mga api upang patuloy na magpaapi hanggang sa marating
nito ang kanilang mga utak na magpapaulol sa mga huwad nilang
makalangit na pangako at katuruan na mula raw sa Diyos na hindi
nakikita at nadarama ngunit nabubuhay, at magpapabulok rito na
magiging dahilan upang sila ay hindi makadama, makapag-isip at
makaalpas sa umaalingasaw na sistema. Samantalang ang mga may
kakayahan na tumindig at makahulagpos upang gisingin ang bayan ay
takip-ilong na nasisikmurang baliwalain ang nanggigitatang kalagayan
ng lipunan habang ang mga intelektwal sa pamantasan ay lubha pang
nalulunoy sa pataasan ng ihi kasabay ng patuloy na pagtaas ng
matrikula at pagbaba naman nang kalidad ng edukasyon at malawakang
paglaganap ng mapanghing kultura na inihi ng mga naghaharing-uri
katuwang ang mga nasa panggitnang uri upang mapatibay ang
namamayaning kasalaulaan.
Sa loob ng lipunan ay mapagmamasdan ang mga pader na mababakasan
ng kababuyan na pinalala ng masalimuot na pagkakasulat sa kasaysayan
ng bayan at sa sahig naman ay nagkalat ang iba’t ibang tao na
masahol pa sa basurang hindi na mapakinabanggan. Mayroong
ipinanghimod sa puwet ng mga dayuhan at mga naghaharing-uri gayundin
ang kanilang mga iniluwa, pinagsawaang nguyain, na pinakikinabangan
ng bayan. Nagkalat din ang mga pinaggamitang tampon na walang
pinagkaiba sa lipunang elitista na nakatiwangwang at naghihintay na
sumalubong sa mga ambisyosong nais makatungtong sa kanilang lipunan.
Mayroon ding mga luklukang pinag-aagawan ng mga nagnanais maupo sa
trono at magkamal ng malaking yaman sa kabila na tinga lang ang
napupunta sa kanilang bulsa sapagkat ang kabuuang yaman ay hinihigop
ng mga timawang kapitalista, nakanganga at handang sahurin ang mga
gintong ilalabas nang mga taong nilason ng sistema, kahit na ang
lalamunan nila ay nag-uumapaw sa mga lumulutang na ginto.
Gintong sarap na sarap laklakin at lamunin ng kahit sinong
nakatataas. Nagkalat naman ang mga dura sa banggerahan, hugasan ng
kamay ng mga dogmatikong relihiyoso, pulitikong tuta ng mga
naghaharing-uri at mga bobong intelektwal.
Marami ang nagbigay ng suhestiyon nang pamamaraan upang linisin
ang suliranin ng lipunang walang kasing sangsang ngunit sa dami ay
isa lang ang namayani. Payo nila, na eksperto raw sa paglilinis ng
mabahong lipunan, na nakapag-aral pa sa mga abanteng malilinis na
lipunan sa daigdig – na kasalukuyang may malaganap na epidemya ng
pagtatae, ang pinakabago at epiktibong panlinis – ang neoliberal.
Subok sa kalidad at epekto sa pagpapahirap sa mga mamamayan at tiyak
na maghahatid ng malaking tubo sa mga kapitalista.
Mawawala ang basura, baho at dumi ngunit hindi ang sangsang na
nanunuot sa bawat sulok ng lipunan. Masasawata ang bunga at puno ng
kasalaulaan ngunit hindi ang ugat nito at sa muling pagbalik ng
kabahuan ay mas makakasulasok, mas nakakasuka at mas nakakabaliktad-
sikmura sa baho na natitiyak kong mapapansin ng lahat. Magigising
ang diwa ng bawat isa at papasok ang mapagpalayang kaisipan na sa
isang iglap ay dadaluyong upang baguhin ang tadlang hinulma ng mga
naghaharing-uri. Gamit ang pambomba at panlinis ay titindig at
isisigaw ang digmaang bayan. Bubuhusan ng mainam na asido ang bawat
pader at sahig upang lusawin ang ugat ng kabahuan. Iiskubahin at
iis-isin ang bahid ng kababuyan hanggang silang mga sanhi ay maglaho
ng tuluyan. Bobombahin ang mga bunganga ng mga kapitalistang
nag-uumapaw sa ginto hanggang sa dumaloy ang mga naglutang na ginto
sa dapat nitong patunguhan. Wawalisin ang lahat ng kalat kasama na
ang mga pinaggamitang tampon – lipunan ng mga elitista, hanggang sa
ang buong lipunan ay maging malinis, makintab at wala nang sangsang
at mapapalitan ng isang bagong lipunan na may makatarungan at
makataong amoy.

Biyernes, Mayo 4, 2012

At 28

At 28, isang sikat na international singer at actress si Mandy Moore.

Yung manager namin, 28 din siya ngayon,

28% sa mga kabarkada ko, at 28, single pa rin, yung iba, natagal ng kinasal at kasalukuyang bumubuo ng pamilya.

Ako, at 28, kasalukuyan pa lang nagsisimula ng career ko, kung career na natatawag yon, may secret partner.  At 28, tingin sa akin ng mga nakakabatang mga officemates ko, ang galing ko sa trabaho samantalang ang boss ko tingin sa akin naglalaro lang, kulang na lang sabihin niya sa akin na umasta ako ayon sa edad ko.

Ano ba ang dapat na gawin ng isang tao sa edad na 28, ano ba ang dinidikta ng lipunan sa edad na ito. Kailangan bang mag-asawa na rin ako at bumuo ng pamilya, hindi pwede, may partner ako, hindi ko siya iiwan para lamang sa makasabay ako sa gusto ng lipunan.

At 28, aaminin ko, hindi pa ako ganoon ka-matured mag-isip katulad ng ibang mga kasing-edad ko, oo, kung minsan may sense akong kausap pero madalas hindi ako seryosong kausap.

Magulo ang utak ko, hindi na magbabago yon, 28 years na akong ganoon.

Bitin, itutuloy ko kapag may oras ako, 

Martes, Mayo 1, 2012

Usapan Namin sa Natural Order

Naalala ko iyong usapan naming ng isang kaibigan sa text. Sabi niya sa akin hindi raw ata ako ang AL na kilala niya. Bakit daw ang negatibo ko ng araw na iyon? Sagot ko sa kanya, ibang AL ang kausap niya kahapon sa kausap niya ngayon, dahil para akong si San Sui na may iba-ibang katauhan, may multiple personality disorder.

Pero seryoso, negatibo talaga ang aura ko ng araw na iyon, frustrated ako sa mga bagay na hindi ko makayang makuha o matupad. Sinabihan niya ako, basta maniwala ka lang makukuha at matutupad iyan (nasabi ko na iyon sa kanya dati).

Oo, parang ganun nga, sabi nga ni Peter Pan mag-isip ng magagandang bagay at konting mahika eh makakalipad ang tao. Sa akin naman, maniwala ka at kumilos para mangyari. Pero hindi naman lahat ng bagay ay pwede, higit pa at malayo ito sa “natural order” o “structured life” ng mga bagay-bagay.

Kahit na sabihin nating may pagkilos, impossible pa rin, liban na lang siguro kung may human interference at intervention na papakialaman ang natural na daloy ng kalikasan.

Halimbawa, ang uwak ay mananatiling itim liban na lamang kung ilulublob mo sa pintura. Pwede rin naman kung scientifically na bababuyin ang “natural composition” nito para makapag-breed  ng putting uwak.

Halimbawa, ang  tao ay hindi makakalipad kahit na anung paniniwala at pagpagaspas ng kamay liban na lamang kung sasakay ng eroplano.

Halimbawa, ang tao ay hindi magluluwal ng itlog. Kahit na anung tindi ng paniniwala mo o pagkilos hanggang kamatayan, hindi rin manganganak ang tao ng buwaya, aso, talangka, bato, pero ganito ang mga ugali ng tao.

Halimbawa ay ang maging kami dahil iba ang “natural order” niya o “human nature” niya liban na lamang kung sasabihin niyang “AL, I love you, sabihin mo lang na I love you too at tayo na!” – di ba! Daming tawa.

Ito lamang ang nais kong ipunto, na possible ang mga bagay-bagay sa paniniwala at pagkilos kung ito ay kasama na sa natural order ng mundo. Walang masama kung patuloy na lalakbayin at tutuklasin ang mundo, basta ba’t hindi ito makakasira sa kalikasan. Mag-isip bago magsagawa ng human interference at baka nakakasira na tayo sa natural order of differences ng pagkakakilanlan.  Mag-ingat dahil baka mamaya, binabago na natin ang pag-ikot ng mundo sa axis o kaya naman ay ang suppression ng “dapat” at “tamang” daloy ng mga bagay.

Linggo, Abril 29, 2012

More Fun in the Philippines



MATAGAL ko na itong gustong gawin, ngayon ko lang nagawa at mali pa ang font style.















Dakilang May Likha

Dakilang Maylikha
Lyricist: Gary Granada
Composer: Gary Granada
Arranger: Mel Villena


Dakilang Maylikha
Sa kalinga’t pang-unawa
Mangyari ang iyong diwa
Sa langit at sa lupa

Bigyan mo ng sapat
Ang lahat sa araw-araw
Turuang magparaya
Gaya ng iyong gawa

Iadya nyo kami
Sa pagmamataas
Upang maiwaksi
Ang lupit at dahas

At samahang lumikha
Ng pamayanang payapa
Sa kalikasan, kabuhayan
Kakanyaha’t paniniwala

Siya nawa, siya nawa
Siya nawa siya nawa

(Isa sa magandang interpretasyon ng AMA NAMIN)

La La La Lala.....

                      Minsang nakikinig ako ng isang programa sa radyo ng biglang pinatugtog ang kanta ni David Pomeranz na King and Queen of Hearts. Matagal ko na itong naririnig, sa JS Prom namin, bumida rin to. Ngunit ng gabing iyon ko lang napakinggan ng  may atensyon.

                                      Promise me you're mine tonight
                                      I've been   waitin' lyin' tonight
                                      While the lights are low
                                      I'll never let you go

                      Sa mga linyang ito, nabago ang tingin ko sa kantang ito. hindi na ito ang kantang gusto kong kantahin dahil in love ako. Naisip kong gusto ko itong kantahin para sa taong pinakasalan ko, at kakantahin ko ito sa unang gabi namin bilang mag-asawa.

                                      Time will pass and tears will fall
                                      But someday we'll both recall
                                      Moments made of this
                                      Golden memories

                    The first night, the first thrust that crashes chastity which is the golden memory that the lovers will savor.
                  This is just my interpretation of this song, particularly,of those lines. If you have your own, which i surely know you have, don't hesitate to share it with us. Just leave a comment on this post.
                 Ciao!

Ang Tansan. Bow.


                 Ang tansan, na dati kong natawag na "tarzan", ay isa sa mga laruan namin dati. Ang tansan ay ang metal na takip ng  mga softdrinks. Iaalog, maiba panalo. Ginagamit ding panggambling, pero 'no money invovled'. Puro tansan lang talaga. Magppustahan o maglalaro ang kapalit ay tansan.
                Maghahagilap sa mga tindahan. "Ale, may tansan kayo?" At dahil kalat lamang na maitutring ng mga tindera, sa halip na makadagdag sa sandamukal na basura ng ka-maynilaan, ibibigay na lamang sa aming mga bata ang tansan upang mapakinabangan. Minsan pagpasko, pipitpitin at gagawing tamborine.
                           Kapag nakaipon na, pupunta kami sa isang panig ng kalsada, kukuha ng bato at guguhit ng      
at pagkatapos ay oras na ng dayaan! este ng laro. Unang makakonekta ng tatlong bato o tansang pamato , siya ang panalo; magkakaroon ng karagdagang tansan dipende kung ilan ang itinaya.  kung minsan may mga balat pa ng kending kasama --- Viva, White rabbit, Starr at kung anu-ano pa. Kung ang pera may coins at bills, sa aming mga bata noon, may tansan at balat ng kendi.
                      Sa tansan palang masaya na kami. May laruan na kaming mapaglilibangan, minsan pinagmumulan pa ng away. Pero sa paglipas ng panahon, si tansang bida sa laruan ay sa basurahan na ang destinasyon.  Hindi na pinapansin ng mga batang gustong maglaro. Naiba na ang gusto. Nandyan na ang brick game, naging game boy. Na sinundan ng PSP, ano na'ng sunod?
                      Ayaw ng laruin ng mga bata ang tansan. Mas gusto na nila ang magpipipindot.  Problemado na si Aling Imang sa  dami ng tansang naipon upang ibigay sa mga batang gustong maglaro.



[photo credit: Marvin Vicedo,Soft Drinks Tansan / Crown As Doormat and Ruminat Skin Scratcher.  http://www.luntiancorner.com/recycling/tansan-doormat-scratch/ .]

Sabado, Abril 28, 2012

LANGIT LUPA IMPYERNO

O siya, sige ako ang bubwena-mano. Ibabahagi ko lang ang matagal ko ng naisip na interpretasyon sa larong-batang langit lupa impyerno.





































Parang dati lang ay nasa gitna ako ng kalsada, manggahan, terrace ng kapitbahay, mga patong ng hallowblocks, puno ng bayabas, at kung saan saan pa habang kalaro ko ang mga kababata ko ng walang kamatayang langit lupa. Pero matagal bago ko maisip na may malalim din pala iyong kahulugan. Siguro isang taon na rin mula ng mabigyan ko ito ng bagong kahulugan:

Langit lupa impyerno – ito ay sumasalamin sa tatlong uri ng tao sa lipunan. Ang mga upper class, middle class at lower class.

Im im impyerno – ito ay ang dinadanas na buhay nang nasa pinakamababang uri.

Saksak puso tulo ang dugo – ito ay ang pagpula ng silangan na habang sinisiil ang karapatan ng mga mahihirap ay lalong nag-aalab sa puso nila ang pagnanais na makawala at humuhulagpos na pagnanais na makalaya.

Patay, buhay – handang ialay ang buong buhay upang makamit lamang ang minimithing pagbabagong hinihintay.

Alis ka na dyan sa pwesto mo – patuloy na umaasang sa pagdating ng araw ay mababaliktad ang tatsulok at muling iikot ang ang gulong. Mababaliktad ang kapalaran at ang nasa impyerno ay aangat at makakamit ang kanilang langit.



Ang mga tutol! Sige komento lang! Sabi nga ni Jameson, inyong-inyo na iyang akda ko sa oras na i-post ko iyan sa public.