Martes, Mayo 1, 2012

Usapan Namin sa Natural Order

Naalala ko iyong usapan naming ng isang kaibigan sa text. Sabi niya sa akin hindi raw ata ako ang AL na kilala niya. Bakit daw ang negatibo ko ng araw na iyon? Sagot ko sa kanya, ibang AL ang kausap niya kahapon sa kausap niya ngayon, dahil para akong si San Sui na may iba-ibang katauhan, may multiple personality disorder.

Pero seryoso, negatibo talaga ang aura ko ng araw na iyon, frustrated ako sa mga bagay na hindi ko makayang makuha o matupad. Sinabihan niya ako, basta maniwala ka lang makukuha at matutupad iyan (nasabi ko na iyon sa kanya dati).

Oo, parang ganun nga, sabi nga ni Peter Pan mag-isip ng magagandang bagay at konting mahika eh makakalipad ang tao. Sa akin naman, maniwala ka at kumilos para mangyari. Pero hindi naman lahat ng bagay ay pwede, higit pa at malayo ito sa “natural order” o “structured life” ng mga bagay-bagay.

Kahit na sabihin nating may pagkilos, impossible pa rin, liban na lang siguro kung may human interference at intervention na papakialaman ang natural na daloy ng kalikasan.

Halimbawa, ang uwak ay mananatiling itim liban na lamang kung ilulublob mo sa pintura. Pwede rin naman kung scientifically na bababuyin ang “natural composition” nito para makapag-breed  ng putting uwak.

Halimbawa, ang  tao ay hindi makakalipad kahit na anung paniniwala at pagpagaspas ng kamay liban na lamang kung sasakay ng eroplano.

Halimbawa, ang tao ay hindi magluluwal ng itlog. Kahit na anung tindi ng paniniwala mo o pagkilos hanggang kamatayan, hindi rin manganganak ang tao ng buwaya, aso, talangka, bato, pero ganito ang mga ugali ng tao.

Halimbawa ay ang maging kami dahil iba ang “natural order” niya o “human nature” niya liban na lamang kung sasabihin niyang “AL, I love you, sabihin mo lang na I love you too at tayo na!” – di ba! Daming tawa.

Ito lamang ang nais kong ipunto, na possible ang mga bagay-bagay sa paniniwala at pagkilos kung ito ay kasama na sa natural order ng mundo. Walang masama kung patuloy na lalakbayin at tutuklasin ang mundo, basta ba’t hindi ito makakasira sa kalikasan. Mag-isip bago magsagawa ng human interference at baka nakakasira na tayo sa natural order of differences ng pagkakakilanlan.  Mag-ingat dahil baka mamaya, binabago na natin ang pag-ikot ng mundo sa axis o kaya naman ay ang suppression ng “dapat” at “tamang” daloy ng mga bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento