Sabado, Abril 28, 2012

LANGIT LUPA IMPYERNO

O siya, sige ako ang bubwena-mano. Ibabahagi ko lang ang matagal ko ng naisip na interpretasyon sa larong-batang langit lupa impyerno.





































Parang dati lang ay nasa gitna ako ng kalsada, manggahan, terrace ng kapitbahay, mga patong ng hallowblocks, puno ng bayabas, at kung saan saan pa habang kalaro ko ang mga kababata ko ng walang kamatayang langit lupa. Pero matagal bago ko maisip na may malalim din pala iyong kahulugan. Siguro isang taon na rin mula ng mabigyan ko ito ng bagong kahulugan:

Langit lupa impyerno – ito ay sumasalamin sa tatlong uri ng tao sa lipunan. Ang mga upper class, middle class at lower class.

Im im impyerno – ito ay ang dinadanas na buhay nang nasa pinakamababang uri.

Saksak puso tulo ang dugo – ito ay ang pagpula ng silangan na habang sinisiil ang karapatan ng mga mahihirap ay lalong nag-aalab sa puso nila ang pagnanais na makawala at humuhulagpos na pagnanais na makalaya.

Patay, buhay – handang ialay ang buong buhay upang makamit lamang ang minimithing pagbabagong hinihintay.

Alis ka na dyan sa pwesto mo – patuloy na umaasang sa pagdating ng araw ay mababaliktad ang tatsulok at muling iikot ang ang gulong. Mababaliktad ang kapalaran at ang nasa impyerno ay aangat at makakamit ang kanilang langit.



Ang mga tutol! Sige komento lang! Sabi nga ni Jameson, inyong-inyo na iyang akda ko sa oras na i-post ko iyan sa public.

2 komento:

  1. galing, never thought na mabibigyan ng ganyang interpretasyon ang larong "langit-lupa"

    TumugonBurahin
  2. There are lots to come Master BX! :)

    TumugonBurahin