![]() |
Maghahagilap sa mga tindahan. "Ale, may tansan kayo?" At dahil kalat lamang na maitutring ng mga tindera, sa halip na makadagdag sa sandamukal na basura ng ka-maynilaan, ibibigay na lamang sa aming mga bata ang tansan upang mapakinabangan. Minsan pagpasko, pipitpitin at gagawing tamborine.
Kapag nakaipon na, pupunta kami sa isang panig ng kalsada, kukuha ng bato at guguhit ng

Sa tansan palang masaya na kami. May laruan na kaming mapaglilibangan, minsan pinagmumulan pa ng away. Pero sa paglipas ng panahon, si tansang bida sa laruan ay sa basurahan na ang destinasyon. Hindi na pinapansin ng mga batang gustong maglaro. Naiba na ang gusto. Nandyan na ang brick game, naging game boy. Na sinundan ng PSP, ano na'ng sunod?
Ayaw ng laruin ng mga bata ang tansan. Mas gusto na nila ang magpipipindot. Problemado na si Aling Imang sa dami ng tansang naipon upang ibigay sa mga batang gustong maglaro.
[photo credit: Marvin Vicedo,Soft Drinks Tansan / Crown As Doormat and Ruminat Skin Scratcher. http://www.luntiancorner.com/recycling/tansan-doormat-scratch/ .]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento