MATAGAL ko na itong gustong gawin, ngayon ko lang nagawa at mali pa ang font style.
Ang pahinang ito ay inilaan upang magbigay buhay sa natatanging kaisipang naglalaro sa aming mga utak. Felicity Jane - ang bukod tanging dalaginding, Simeon de Jesus magaling magkwento, palyado sa technique, BX_35 - totoong writer na walang time magsulat na idol at master ni AL Castro, Joshua Santos - unidentified sa lahat, Koji Anthony - soon to be the "next big star", Lance Cruz - lakwatserong moreno, at AL Castro - nagpapanggap na writer na tinatamad magsulat.
Linggo, Abril 29, 2012
Dakilang May Likha
Dakilang Maylikha
Lyricist: Gary Granada
Composer: Gary Granada
Arranger: Mel Villena
Dakilang Maylikha
Sa kalinga’t pang-unawa
Mangyari ang iyong diwa
Sa langit at sa lupa
Bigyan mo ng sapat
Ang lahat sa araw-araw
Turuang magparaya
Gaya ng iyong gawa
Iadya nyo kami
Sa pagmamataas
Upang maiwaksi
Ang lupit at dahas
At samahang lumikha
Ng pamayanang payapa
Sa kalikasan, kabuhayan
Kakanyaha’t paniniwala
Siya nawa, siya nawa
Siya nawa siya nawa
(Isa sa magandang interpretasyon ng AMA NAMIN)
Lyricist: Gary Granada
Composer: Gary Granada
Arranger: Mel Villena
Dakilang Maylikha
Sa kalinga’t pang-unawa
Mangyari ang iyong diwa
Sa langit at sa lupa
Bigyan mo ng sapat
Ang lahat sa araw-araw
Turuang magparaya
Gaya ng iyong gawa
Iadya nyo kami
Sa pagmamataas
Upang maiwaksi
Ang lupit at dahas
At samahang lumikha
Ng pamayanang payapa
Sa kalikasan, kabuhayan
Kakanyaha’t paniniwala
Siya nawa, siya nawa
Siya nawa siya nawa
(Isa sa magandang interpretasyon ng AMA NAMIN)
Mga etiketa:
cultural,
Dakilang Maylikha,
Gary Granada,
interpretasyon,
kanta,
la la la lala,
langit,
lss,
political,
relihiyon,
social
La La La Lala.....
Minsang nakikinig ako ng isang programa sa radyo ng biglang pinatugtog ang kanta ni David Pomeranz na King and Queen of Hearts. Matagal ko na itong naririnig, sa JS Prom namin, bumida rin to. Ngunit ng gabing iyon ko lang napakinggan ng may atensyon.
Promise me you're mine tonight
I've been waitin' lyin' tonight
While the lights are low
I'll never let you go
Sa mga linyang ito, nabago ang tingin ko sa kantang ito. hindi na ito ang kantang gusto kong kantahin dahil in love ako. Naisip kong gusto ko itong kantahin para sa taong pinakasalan ko, at kakantahin ko ito sa unang gabi namin bilang mag-asawa.
Time will pass and tears will fall
But someday we'll both recall
Moments made of this
Golden memories
The first night, the first thrust that crashes chastity which is the golden memory that the lovers will savor.
This is just my interpretation of this song, particularly,of those lines. If you have your own, which i surely know you have, don't hesitate to share it with us. Just leave a comment on this post.
Ciao!
Promise me you're mine tonight
I've been waitin' lyin' tonight
While the lights are low
I'll never let you go
Sa mga linyang ito, nabago ang tingin ko sa kantang ito. hindi na ito ang kantang gusto kong kantahin dahil in love ako. Naisip kong gusto ko itong kantahin para sa taong pinakasalan ko, at kakantahin ko ito sa unang gabi namin bilang mag-asawa.
Time will pass and tears will fall
But someday we'll both recall
Moments made of this
Golden memories
The first night, the first thrust that crashes chastity which is the golden memory that the lovers will savor.
This is just my interpretation of this song, particularly,of those lines. If you have your own, which i surely know you have, don't hesitate to share it with us. Just leave a comment on this post.
Ciao!
Mga etiketa:
cultural,
interpretasyon,
kanta,
king and queen,
la la la lala,
love,
lss,
pag-ibig,
social
Ang Tansan. Bow.
Maghahagilap sa mga tindahan. "Ale, may tansan kayo?" At dahil kalat lamang na maitutring ng mga tindera, sa halip na makadagdag sa sandamukal na basura ng ka-maynilaan, ibibigay na lamang sa aming mga bata ang tansan upang mapakinabangan. Minsan pagpasko, pipitpitin at gagawing tamborine.
Kapag nakaipon na, pupunta kami sa isang panig ng kalsada, kukuha ng bato at guguhit ng
at pagkatapos ay oras na ng dayaan! este ng laro. Unang makakonekta ng tatlong bato o tansang pamato , siya ang panalo; magkakaroon ng karagdagang tansan dipende kung ilan ang itinaya. kung minsan may mga balat pa ng kending kasama --- Viva, White rabbit, Starr at kung anu-ano pa. Kung ang pera may coins at bills, sa aming mga bata noon, may tansan at balat ng kendi.
Sa tansan palang masaya na kami. May laruan na kaming mapaglilibangan, minsan pinagmumulan pa ng away. Pero sa paglipas ng panahon, si tansang bida sa laruan ay sa basurahan na ang destinasyon. Hindi na pinapansin ng mga batang gustong maglaro. Naiba na ang gusto. Nandyan na ang brick game, naging game boy. Na sinundan ng PSP, ano na'ng sunod?
Ayaw ng laruin ng mga bata ang tansan. Mas gusto na nila ang magpipipindot. Problemado na si Aling Imang sa dami ng tansang naipon upang ibigay sa mga batang gustong maglaro.
[photo credit: Marvin Vicedo,Soft Drinks Tansan / Crown As Doormat and Ruminat Skin Scratcher. http://www.luntiancorner.com/recycling/tansan-doormat-scratch/ .]
Sabado, Abril 28, 2012
LANGIT LUPA IMPYERNO
O siya, sige ako ang bubwena-mano. Ibabahagi ko lang ang matagal ko ng naisip na interpretasyon sa larong-batang langit lupa impyerno.
Parang dati lang ay nasa gitna ako ng kalsada, manggahan, terrace ng kapitbahay, mga patong ng hallowblocks, puno ng bayabas, at kung saan saan pa habang kalaro ko ang mga kababata ko ng walang kamatayang langit lupa. Pero matagal bago ko maisip na may malalim din pala iyong kahulugan. Siguro isang taon na rin mula ng mabigyan ko ito ng bagong kahulugan:
Langit lupa impyerno – ito ay sumasalamin sa tatlong uri ng tao sa lipunan. Ang mga upper class, middle class at lower class.
Im im impyerno – ito ay ang dinadanas na buhay nang nasa pinakamababang uri.
Saksak puso tulo ang dugo – ito ay ang pagpula ng silangan na habang sinisiil ang karapatan ng mga mahihirap ay lalong nag-aalab sa puso nila ang pagnanais na makawala at humuhulagpos na pagnanais na makalaya.
Patay, buhay – handang ialay ang buong buhay upang makamit lamang ang minimithing pagbabagong hinihintay.
Alis ka na dyan sa pwesto mo – patuloy na umaasang sa pagdating ng araw ay mababaliktad ang tatsulok at muling iikot ang ang gulong. Mababaliktad ang kapalaran at ang nasa impyerno ay aangat at makakamit ang kanilang langit.
Ang mga tutol! Sige komento lang! Sabi nga ni Jameson, inyong-inyo na iyang akda ko sa oras na i-post ko iyan sa public.
Mga etiketa:
impyerno,
interpretasyon,
langit,
langit lupa impyerno,
larong bata,
lupa,
social
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)